PINAGHAHANAP ng pulisya ang punong-barangay na pumaslang sa isang mister nang mamaril sa isang kasalan sa Barangay Baracbac Este, Balaoan, La Union.
Ang suspek ay si Elmer Ordanza.
Nabatid na nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang suspek at ang biktima na si Arnold Navalta, 34, habang nasa nabanggit na pagdiriwang.
Nang mapikon ay bumunot ng baril ang kapitan at pinaputukan ang biktima.
Agad tumakas ang suspek matapos ang krimen.
The post Kapitan namaril sa kasalan, 1 patay appeared first on Remate.