AGAD na isinugod sa pagamutan ang isang bading na titser matapos barilin ng taxi driver na kanyang hinipuan ng ari sa Brgy. Salngan, Oton, Iloilo.
Ang biktima na kinilalang si Marcos Valencia, 48, ng Brgy. Trapiche, Oton at nagtuturo sa Oton National High School, ay nagtamo ng tama ng bala sa kamay, leeg at katawan ngunit hindi naman napuruhan.
Kaagad namang naaresto ang driver na kinilalang si Bryan Legada, 22-anyos.
Depensa nito, dinakma ng biktima ang kanyang ari kaya’t nagulat siya at nagalit kaya niya ito nabaril.
Una rito, tinext aniya siya ng biktima na sunduin at ihatid sa kanilang lugar ngunit sa halip na sa kanilang bahay, sa isang kubo ito nagpahatid at doon nangyari ang pagdakma sa kanyang ari.
The post Bading na titser binoga nang hinipuang driver appeared first on Remate.