CALAMBA, LAGUNA- Isang kasambahay at isang apat na buwang sanggol ang pinagtataga nang pasukin ang kanilang bahay ng hindi nakilalang salarin sa Brgy. Lawa kaninang umaga.
Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina Teresita Torres, nasa hustong gulang at Mark Daniel, apat na buwan, kapwa nakatira sa naturang lugar.
Sa imbestigasyon, alas-12:00 ng umaga nang maganap ang krimen matapos pasukin ng hindi nakilalang salarin ang tahanan ng mga biktima.
Nabatid na tinangka ng mga suspek na pagnakawan ang naturang bahay subalit nagising si Torres na noon ay katabi ang natutulog na sanggol kaya nanlaban ito bunsod upang siya ay pagtatagain.
Dahil sa komosyon ay nagising ang sanggol kaya ito naman ang napagbalingan ng mga suspek at walang awa ring tinaga.
Matapos isagawa ang krimen ay mabilis na tumakas ang salarin habang ang mga biktima ay agad na binawian ng buhay.
Habang isinusulat ang balitang ito ay may linaw na kung sino ang mga suspek subalit sadyang hindi muna binanggit ng pulisya bunsod ng inihahandang operasyon.
The post Sanggol, kasambahay pinagtataga sa Laguna appeared first on Remate.