UTAS ang dalawang miyembro ng Cafgu makaraang tambangan ng mga armadong grupo sa Barangay Kimlawis, Kiblawan, Davao del Sur.
Nabatid na unang binawian ng buhay si Arnel Hemotile nang salakayin ng mga armadong grupo ganap na alas-6:45 ng umaga habang nagbabantay sa Army detachment sa nasabing lugar.
Lumalabas na isang sniper ang pumuntirya kay Hemotile na naging dahilan ng agaran niyang kamatayan.
Habang ibinababa naman sa detachment ang bangkay ni Hemotile ay tinambangan naman sila ng hindi mabilang na armadong kalalakihan sa Sitio Nabol, Barangay Kimlawis, Kiblawan, Davao del Sur na ikinamatay naman ni Reynaldo Timpla.
Sa ngayon nagpapatuloy ang pursuit operation ng mga sundalo sa nasabing mga armadong kalalakihan.