Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Kolehiyala pumalag, holdaper tiklo

$
0
0

holdaperSA KABILA ng tinamong sugat sa katawan, nanlaban ang isang 18-anyos na kolehiyala sa nag-iisang armadong holdaper na nambiktima sa kanya na nagresulta sa pagkakadakip dito kaninang madaling araw sa Pasay City.

Kalaboso ang suspek na si Mark Allen Baliwag, 32, ng 362 Cembo, Makati, makaraang manlaban ang kanyang nabiktima na si Emiku Namkoong, 2nd year college student ng St. Benilde, Manila at residente ng 1073-L Delpan St., Makati City.

Sa report, naganap ang panghoholdap sa biktima sa harapan ng isang bus terminal sa Gil Puyat Avenue dakong ala-1:50 ng madaling araw.

Sa halip na ibigay ang handbag, lumaban ang dalaga subalit sinapak siya sa mukha at kinaladkad ng suspek sa madilim na bahagi ng lansangan at inundayan ng saksak hanggang makuha ang bag na naglalaman ng P2,500 cash, cellphone at iba pang personal na gamit,

Kahit na sugatan, hinabol ni Namkoong ang suspek habang nagsisisigaw na humihingi ng tulong na naging daan upang makatawag pansin sa mga barangay tanod na sina Jose Clemente at Ardie Bailon na silang nakadakip sa suspek.

Nabawi kay Baliwag ang handbag ng biktima, pati na ang duguang patalim na ginamit nito sa panghoholdap.



Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>