Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Sec. Almendras, tatayong point person sa pagsama kay Erap sa HK

$
0
0

TATAYONG point person ng pamahalaan si Secretary to the Cabinet Jose Rene Almendras matapos sumama kay Manila Mayor Joseph Estrada, ilang konsehal ng Maynila at PNP Director General Alan Purisima para humingi ng paumahin sa Hong Kong government kaugnay sa 2010 Manila Hostage crisis at mag-alok ng compensation sa mga biktima na nagkakahalaga ng P110 million.

Inamin ni Press Secretary Herminio “Sonny” Coloma, Jr. na wala siyang kongkretong impormasyon hinggil sa itinerary ni Secretary Almendras dahil ang tanging alam lamang niya ay makamit ng Pilipinas ang mutually satisfactory conclusion sa usaping ito.

Sa ngayon, ang maari lamang niyang ibahagi sa publiko ay ang puspusang pagsisikap ng pamahalaan na matuldukan ang usaping ito at magkaroon ng mutually satisfactory conclusion.

Binigyang-diin ni Sec. Coloma na tinitiyak niya sa lahat na ito ang ginagawa ng gobyerno para matamo ang mapayapang solusyon sa usaping ito.

“We are hopeful that the initiatives of Mayor Estrada will contribute to the national government efforts at achieving closure and a mutually satisfactory conclusion. Siguro naman po kaisa tayong lahat sa pagnanasa na mabigyan na ng matuldukan na ang usaping ito para makasulong na rin ang pakikipag-ugnayan natin sa Hong Kong Special Administrative Region na kung saan ay malaking bilang ng mga Pilipino ang nagtatrabaho. Kaya ito ang tinutukoy ng ating pambansang pamahalaan sa kasalukuyan,” pahayag nito.

Sa ulat, nakipagpulong sina Mayor Estrada kay Hong Kong Chief Executive CY Leung.

“I am apologizing because it happened in Manila. In behalf of the people of Manila, the city council and myself extend our apology for the unfortunate incident more than three years ago,” ayon kay Mayor Estrada.”

Sinabi pa rin niya na mag-aalok din siya ng compensation na nagkakahalaga ng 20 million Hong Kong dollars o  P110 million para sa mga naging biktima ng hostage crisis.

Tinuran ni Erap na ginagawa niya ang bagay na ito para sa kapakanan ng overseas Filipino workers sa Hong Kong, na posibleng hindi na mapalawig pa ang working visa dahil sa “lack of apology” mula sa Aquino government.

“I have to do something. Nakakaawa naman yung ating mga kababayan doon. I’m trying my best to apologize for them for that unfortunate incident even if it was not during my term as Mayor of Manila,” aniya pa.

The post Sec. Almendras, tatayong point person sa pagsama kay Erap sa HK appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>