TATLUMPUNG araw na pagkakasuspinde ang ipinataw ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa 42 units ng Victory Liner bus.
Ayon ng LTFRB, ito ay kasunod ng pagkakasangkot ng isang bus ng Victory Liner sa aksidente kahapon sa Olongapo.
Ang mga suspendidong units ay may rutang Sta. Cruz, Zambales-Manila.
Una nang naibalita na isa ang nasawi habang 40 ang sugatan makaraang mawalan ng preno ang Victory Liner bus sa Olongapo kahapon.
The post Ilang units ng Victory liner sinuspinde appeared first on Remate.