WALA pang 24-oras matapos ang pagkakaaresto, nakalabas na si Bernice Lee, kapatid ni Cedric Lee na akusado sa pambubugbog sa aktor na si Vhong Navarro ngayong Martes ng hapon.
Nagpiyansa si Bernice Lee nang P12,000 para sa kasong grave coercion na isinampa laban sa kanya kasama ang anim pang iba.
Naaresto si Bernice ng miyembro ng National Bureau Investigation (NBI) sa West Green Hills sa San Juan bandang alas-7:00 ng gabi kahapon.
Ipinag-utos ni Judge Bernard Pineda Bernal ng Metropolitan Trial Court (MTC) Branch 74 sa Taguig City sa jail officer ng NBI na pakawalan na si Bernice.
Samantala, nakatakda ring ihain ang arrest warrants para kay Cedric Lee, Deniece Cornejo, Jed Fernandez, Simeon Raz at Ferdinand Guerrero para sa serious illegal detention charges– isang non-bailable offense.
The post UPDATE: Bernice Lee laya na appeared first on Remate.