NAGPAKAMATAY ang isang 18-anyos na estudyanteng si Jayson Masangcay makaraang dibdibin nito ang pagkawala ng kanyang scholarship sa Brgy. Pinatuwad, Nabas, Aklan.
Naabutan pa ng mga kaanak ang biktima sa kalagitnaan ng gubat malapit sa kanilang bahay na sapu-sapo ang duguang tiyan matapos laslasin ng kutsilyo.
Agad itong isinugod sa Aklan Provincial Hospital ngunit makalipas ang isang oras ay namatay din.
Nabatid na kahapon lamang ng umaga dumating ang biktima mula Metro Manila upang magbakasyon.
Nakaranas umano ng depresyon ang binata dahil sa isang puntos na kulang sa kanyang grado upang mapanatili ang kanyang scholarship sa Commission on Higher Education (CHEd).
Si Masangcay ay nag-aaral sa University of the East (UE) at may kursong BS Biology.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang mabatid kung may foul play na naganap sa pagkamatay ng binata.
The post Nawalan ng scholarship, stude nagpatiwakal appeared first on Remate.