TODAS ang isang lalaking sakay ng motorsiklo nang sumemplang habang papauwi sa Valenzuela City, Lunes ng gabi, Abril 21.
Dead-on-the-spot sanhi ng pinsala sa ulo si Jonathan Ceneta, 21, ng Pag-Ibig St., Lingunan ng lungsod.
Sa ulat, alas-8:30 ng gabi, pauwi na ang biktima matapos bumili ng barbecue sa Paso De Blas at habang binabagtas ang T. Santiago St., Canumay kapwa ng lungsod ay nawalan ng kontrol sa manibela at sumayad ang gulong sa bangketa.
Mabilis ang takbo ng biktima dahilan para sumemplang at humampas ang ulo sa sementadong kalsada na agad na kamatayan nito.
The post Rider sumemplang, todas appeared first on Remate.