NAGLABAS na ang Taguig City Regional Trial Court (RTC) ng warrant of arrest laban kina Cedric Lee, Deniece Cornejo at tatlo pang mga kasama sa kasong serious illegal detention matapos bugbugin ang aktor at TV host na si Vhong Navarro noong Enero 22 ng taong kasalukuyan.
Napag-alaman kay Southern Police District (SPD) director Chief Supt. Jose Erwin Villacorte na kaninang tanghali ay natanggap nila ang warrant of arrest laban sa grupo nina Cedric at Cornejo, pati na sina Jed Fernandez; Simeon Raz at Ferdinand Guerrero.
Hindi naman batid ni Villacorte kung bakit hindi nakasama sa inilabas na arrest warrant ni Judge Pas Esperanza Cortes ng Branch 27 ang kapatid ni Cedric na si Bernice at Jose Paolo Calma.
Walang inirekomendang piyansa ang korte sa kasong serious illegal detention habang nauna ng nakapaghain ng P12,000 na piyansa sina Fernandez at Cornejo nang maunang maglabas ng arrest warrant ang Metropolitan Trial Court (MTC) Branch 74 sa kasong grave coercion.
Dahil sa panibagong paglalabas ng warrant of arrest ng korte, maituturing nang mga pugante ang mga akusado, pati na sina Cornejo at Fernandez.
The post Warrant of arrest pa vs Cedric Lee, Deniece et al inilabas na appeared first on Remate.