SUMALO sa unahan si Pinoy GM Oliver Barbosa matapos makipaghatian ng puntos kay super GM Francisco Pons Vallejo sa ninth at final round sa katatapos na 14th Bangkok Chess Club Open 2014 sa Thailand.
Nagtala sina No. 4 seed Barbosa (elo 2580) at top seed Vallejo (elo 2693) ng Spain ng parehong 7.5 puntos matapos ang kanilang 17-moves ng Slav sa last round.
Subalit tinanghal na kampeon si Vallejo at second placer si Barbosa matapos ipatupad ang tie-break sa event na may nine rounds swiss system.
“Mataas ang tie-break points ni Vallejo pero ok na rin kasi pareho naman kami ng iskor parang champion na rin,” wika ni Barbosa na paniguradong tataas muli ang kanyang elo rating.
Nakaraang buwan ay tumaas ang elo rating ni Barbosa matapos magkampeon sa 19th International Open Grandmaster Chess Tournament.
Nabingwit naman ni GM John Paul Gomez ang pang-anim na puwesto tangan ang 6.5 points matapos makipaghatian ng puntos kay GM Marat Dzhumaev (elo 2496) ng Uzbekistan.
Umabot sa 29 sulungan ng Sicilian ang laban nina Gomez at Dzhumaev.
Kapareho ng puntos ni ranked No.6 Gomez (elo 2524) ang dalawang Pinoy woodpushers na sina GM Darwin Laylo at IM Rolando Nolte subalit lumanding lang sila sa pang 11th at 13th place ayon sa pagkakasunod.
Pinayuko ni Nolte (elo 2417) si Ryosuke Nanjo ng Japan habang tabla ang laro ni Laylo (elo 2511) kay GM Suat Atalik (elo 2562) ng Turkey.
Kasalo naman sa 14th to 24th place sina Rolando Andador (elo 2279) at Asia’s first grandmaster Eugene Torre (elo 2427) bitbit ang 6.0 points.
Nanaig sa huling laro si Torre kay Jirapak Pitirotjirathon habang tabla si Andador kay IM Kirill Kuderinov (elo 2448) ng Kazakshtan.
The post 2nd place sinungkit ni Barbosa appeared first on Remate.