Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Castañeda masusubukan sa Extreme Memory Tournament

$
0
0

MAKIKILATIS sa isang bigating torneyo ang tatlong Grandmasters of Memory (GMM) ng bansa na sina Mark Anthony Castañeda, Erwin Balines at Johann Abrina.

Naimbitahang lumahok ang tatlo sa Extreme Memory Tournament 2014 sa Abril 26-27 sa Dart Neuroscience Convention Center, San Diego, California.

Makakaharap nila ang mga top mind athletes ng mundo kabilang ang world No.1 na si Johannes Mallow at ang dating world champion na si Gunther Karsten ng Germany.

“Talagang salang-sala ang torneyong ito. Ang mga pinakamahuhusay lang sa mundo ang naimbitahang sumali dito,” sabi ng head of delegation at coach ng koponan na si Roberto Racasa.

“Ibibigay naman ang lahat ng aming makakaya para ipakita sa mundo na kaya nating makipagsabayan sa sport na ito.

Ang 16 na manlalaro ay hinati sa apat na grupo kung saan napabilang sina Castañeda at Abrina sa Group A at si Balines naman ay napunta sa Group B.

Ang top two players ng bawat grupo ay uusad sa knockout stage kung saan one-on-one ang labanan.

Ang kampanya ng mga Pinoy sa naturang torneyo ay suportado ng AVESCO Marketing Corp. at ng Philippine Mind Sports Association, Inc. sa tulong na rin ng CGBP.org, Hotel Sogo and Eurotel, W.I.N. International, at Rotary Club of Pasig City.

The post Castañeda masusubukan sa Extreme Memory Tournament appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>