NAIS maging state witness ang isa sa akusado sa pambubugbog sa aktor na si Vhong Navarro.
Gayunman, hindi muna pinangalanan ni Justice Secretary Leila de Lima ang akusado alang-alang na rin sa seguridad ng nasabing akusado na sumasailalim pa sa evaluation ng Witness Protection Program (WPP).
Naniniwala si De Lima na malaki ang maitutulong ng magiging testimonya ng nasabing akusado para mapagtibay ang kaso at para mapatunayan na talagang plinano at nagkaroon nga ng sabwatan para bugbugin si Navarro.
Nakahanda ang nasabing akusado na ihayag ang detalye ng nangyaring pambubugbog pati na ang pagpaplano sa krimen na tinawag nilang Oplan Bugbog.
The post Isa sa nambugbog kay Vhong gustong maging state witness appeared first on Remate.