Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Janet Lim-Napoles ooperahan na bukas

$
0
0

KINUMPIRMA ng abogado ng tinaguriang “pork barrel scam queen” na si Janet Lim-Napoles na isasailalim na bukas sa operasyon ang kanyang kliyente sa Ospital ng Makati kaugnay sa kanyang bukol sa matris.

Nabatid kay Atty. Faye Singson, abogado ni Napoles, noong Sabado de Gloria ay nakausap niya si Napoles at sinabi sa kanya na Martes ng gabi siya ooperahan matapos sabihan ng kanyang mga doktor.

Napag-alaman na tumagal lamang ang pag-schedule sa isasagawang operasyon kay Napoles dahil kailangan muna nitong isailalim sa biopsy upang mabatid kung ang bukol na tumubo ay cancerous.

Bukod pa rito, hindi rin normal ang blood sugar level at blood pressure nito kaya’t natagalan ang pag-opera rito.

Magugunitang Abril 8 nang sumailalim sa biopsy procedure si Napoles at simula noon ay hindi na naglabas ng medical bulletin ang kanyang mga doktor.

Kaugnay nito, hindi na nagbigay ng anomang pahayag ang pamunuan ng OSMAK hinggil sa isasagawang operasyon ngayon kay Napoles kung saan ipinaubaya na lamang ito sa mga personal na doktor nito.

Nabatid na dalawang doktor sa OSMAK at pitong doktor na mula pa sa St. Luke’s Medical Center ang susuri kay Napoles matapos humiling na may sarili siyang manggagamot.

The post Janet Lim-Napoles ooperahan na bukas appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan