PINAYUHAN ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino ang mga motorista partikular na ang mga babalik sa Metro Manila na iwasan munang dumaan sa EDSA bukas, Lunes, sa halip ay gumamit na lamang ng mga alternatibong ruta dahil hindi pa natatapos ang isinagawang “concrete re-blocking” ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Alas-5 ng umaga bukas ay inaasahang matatapos ng DPWH ang kanilang isinasagawang pagkukumpuni ngunit inaasahang bibigat ang trapiko dahil sa mga bakasyunista na babalik sa Metro Manila na madaling-araw pa lamang ay uuwi na sa kani-kanilang tahanan.
Inirekomenda ni Tolentino sa mga motorista na manggagaling sa South Luzon Expressway (SLEX) na dumaan na lamang sa C-5 o sa Osmena Highway para hindi na makabigat sa EDSA.
Kaugnay nito, sa isinagawang monitoring ng pamunuan ng SLEX, nag-umpisa na umanong magsibalikan ang ilang bakasyunista nitong Sabado pa lamang kung saan inaasahan na nilang dadagsa ang pagbabalik ng mga motorista nitong Linggo ng gabi hanggang ngayong Lunes ng umaga.
The post Iwasan muna ang EDSA – MMDA appeared first on Remate.