MAGHAHARAP na si Pangulong Benigno Aquino III at boxing icon at Sarangani Representative Manny Pacquiao bukas, Lunes, para sa customary courtesy call makaraan nitong masungkit ang bagong World Boxing Organization (WBO) welterweight noong Abril 12.
Itinakda ng Pangulo ang kanilang pagkikita ni Pacman bandang ala-1:00 ng hapon bukas, Abril 21.
Matapos ang laban ni Pacquiao kay Bradley sa Las Vegas, agad na nagpahatid ng pagbati si Communications Secretary Herminio Coloma dahil sa kanyang “magnificent triumph.”
Nakauwi ang pambansang kamao noong Biyernes sa bansa.
The post PNoy, Pacman maghaharap bukas appeared first on Remate.