INUGA ng 3.2 magnitude na lindol ang Baguio City kaninang umaga, Abril 20, 2014 inulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Ayon sa PHIVOLCS, naramdaman ang pagyanig sa Timog ng Baguio City sa Benguet alas-7:19 ng umaga.
Nabatid sa PHIVOLCS na naramdaman ang intensity 2 na lindol sa Baguio City.
Ang origin ng lindol ay tectonic at ang lalim sa lupa ng pagyanig ay 010 kilometro.
Wala namang iniulat na napinsala o inaasahang aftershocks sa naturang lindol.
The post Baguio City inuga ng 3.2 magnitude na lindol appeared first on Remate.