UMAKYAT na sa 23 ang namatay habang 99 ang naitalang nasugatan sa magkakahiwalay na aksidente sa nakalipas na paggunita sa Semana Santa, kinumpirma ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong Linggo.
Ayon sa pinakahuling ulat ng NDRRMC, nasawi sa vehicular accident ang may 12 katao, siyam sa pagkalunod habang isa ang namatay sa fire incident at isa pa sa shooting incident.
Tinatayang 11 katao naman ang naospital sa Eastern Visayas bunsod ng carbon monoxide poisoning.
Kinumpirma rin ng Philippine Coast Guard na nakapagtala sila ng tatlong pagkalunod habang isinasagawa ang pag-alaala sa Holy Week kung saan dalawa rito ang nasawi.
The post UPDATE: Patay sa Semana Santa 23 na, 99 sugatan appeared first on Remate.