DAHIL sa lumalalang paglaganap ng street crimes, pinaigting ng Pasay City police ang pagsugpo sa iba’t ibang uri ng kriminalidad sa lungsod.
Matapos ang Semana Santa, inatasan na ni Pasay City Police Chief, Superintendent Florencio Ortilla ang kapulisan sa iba’t ibang police station na magtalaga ng mga pulis sa lansangan o body-body system upang maiwasan ang paglaganap ng krimen sa lugar na kanilang nasasakupan.
Bukod sa motorcycle cop, nararapat ding galugarin ng mga pulis ang mga eskinita na hindi napapasok ng mobile car na madalas na pinagtataguan ng ng mga hoodlum.
Hindi lamang ang mga motorcycle ang nararapat na rekisahin kundi ang mga suspicious character na nambibiktima ng inosenteng mamamayan.
Dapat umanong mag-report sa barangay ang presensya ng mga pulis na magsisilbing kaagapay ng mga barangay tanod tungo sa kapayapaan ng lugar na nasasakupan.
Kinakailangan din magkaroon ng daily activity report ang mga pulis para matukoy ang mga lugar na hinihinalang crime prone area.
The post Kampanya vs street crimes inilarga sa Pasay appeared first on Remate.