TINIYAK ng Land Transportation Office (LTO) na handa na ang ahensya sa pagbalik ng mga kababayan mula sa probinsya.
Ginawa ang pagtiyak ni LTO Law Enforcement Service (LES) Director Mohammad Lamping dahil sa inaasahang pagdagsa ng libo-libong bakasyunista galing probinsya na pabalik ng Maynila.
Sinabi nito na ang kanilang mga tauhan ay nakakalat na sa buong bansa partikular na sa Metro Manila para magbigay ng asiste sa mga bakasyunista na magmumula sa mga probinsya matapos ang mahabang bakasyon.
Siniguro rin ni Lamping sa mga kababayan na motorista na nakakalat na ang mga personnel, mobile at motorcycles unit ng LTO sa mga pangunahing lansangan at hi-way para magbigay-tulong sa mga motorista.
The post LTO handa na sa pagbalik ng mga bakasyonista appeared first on Remate.