HABANG nasa bakasyon ang pamilya, isang dalagita ang nagbigti nang pagalitan ng kanyang mga magulang sa Quezon City nitong nakaraang Biyernes Santo.
Nadiskubre ang pagpapakamatay ng biktimang si Princess Mahusay, 18, ng kanyang nobyong si Emmar Palma, 25, ng Barangay Culiat, Novaliches sa bahay nito sa CMLI compound sa North Avenue, Barangay Pagasa, Q.C. dakong 1:30 p.m.
Mismong ang kumot ang ipinulupot ng biktima sa kanyang leeg na ang dulo ay itinali naman sa biga ng kanilang kisame.
Ayon kay Palma, isang office messenger, nagpunta siya sa bahay ng kanyang nobya para makipag-ayos matapos silang magkaroon ng hindi pagkakaunawaan nitong nakaraang Huwebes Santo.
Pero nang kumatok at walang nagbukas sa kanya, pumasok si Palma ng bahay at nagimbal sa kanyang nakita.
Ayon sa mga kapitbahay, naulinigan nilang pinapagalitan ang biktima sa hindi malamang dahilan ng mga magulang nito.
Kaya nang umalis ang buong Mahusay family para magdaos ng Semata Santa sa Zambales, ay naiwang mag-isa ang biktima sa kanilang bahay.
Iniimbestigahan pa rin ng pulisya si Palma kung may kinalaman ito sa pagkamatay ng kanyang nobya.
The post Dalagitang tinalakan ng magulang, nagbigti appeared first on Remate.