INIIMBESTIGAHAN na ng Manila Police District (MPD) ang dahilan ng pagkamatay ng 18-anyos na dalaga matapos duguin habang nagpapahinga katabi ang kanyang boyfriend kaninang madaling-araw sa Pandacan, Maynila.
Idineklarang dead-on-arrival sa Sta. Ana Hospital ang biktima na si Ericka Nulud, 18, ng 2319 Severino St., Sta. Cruz, Maynila.
Sa imbestigasyon, alas-10:30 kagabi nang magpaalam ang biktima sa kanyang inang si Joy Santos na sasama sa mga kaibigan para mag-Visita Iglesia.
Gayunman, dumiretso ang biktima kasama si JV Boy Martino, ng 1534 Guevarra St. Sta. Cruz, Maynila sa bahay ng nobyong si Benjie, 16, sa Pandacan.
Pagdating sa bahay ng nobyo, ay nakipag-inuman ang biktima kina Martino at Benjie at nang malasing ay umakyat na sa kuwarto si Benjie at Nulud at doon magkatabing nahiga.
Maya-maya pa ay nakitang dinudugo ang biktima kaya humingi ng tulong si Benjie kina Martino at Gene Martin para isugod sa ospital ang biktima.
Ayon sa pahayag ng BF ng biktima, kelan lamang sila naging magnobyo nito at may nabalitaan siyang isang buwan nang hindi dinadatnan ng buwanang dalaw ang biktima.
Inaalam naman ng pulisya kung uminom ng pampalaglag ang biktima.
The post Dalaga dinugo sa boyfriend, patay appeared first on Remate.