MATAPOS mabuntis ay ginilitan sa leeg ng isang binatilyo ang kanyang 18-anyos na pinsan kagabi sa loob ng Paraiso ng Batang Parola Playground sa Maynila.
Kinilala ang biktima na si Junesa Rusco, ng Gate 1, Area H, Parola Compound, Maynila.
Naaresto naman ang pinsan nitong suspek na si Romnick Joseph Alon, 19, ng Gate 1, Pier 2, North Harbor.
Sa report, alas-8:30 kagabi nang maganap ang insidente sa nasabing palaruan.
Nauna rito, nagtungo ang biktima at pinsang sina Ronelyn Pecargo at Rosalyn Alon sa nabanggit na lugar upang makapagpahinga.
Gayunman, habang naglalakad ay nadaanan nila ang suspek sa footbridge ng Delpan at sinabihan ang mga kasama ng biktima na iwan sila para makapag-usap.
Habang nakaupo ay basta na lang ginilitan ng suspek ang biktima.
Matapos ang insidente ay iniwan ng suspek ang biktima at sinabi sa dalawang kasama nito na ginilitan niya ng leeg si Rusco.
Sa kulungan, inamin ng suspek na nagawa niya ang krimen dahil nabanggit umano ng biktima na papatayin siya ng kanyang tiyuhin o ama ng biktima kapag nalaman na may nangyari sa kanila ng pinsan at nabuntis niya ito.
The post Pinsan na binuntis, ginilitan ng leeg appeared first on Remate.