Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Pinoy nurse, negative na sa MERS – DoH

$
0
0

IPINAHAYAG ng Department of Health (DoH) na nag-negatibo na sa Middle East Respiratory Syndrome Corona virus (MERS-CoV) ang Pinoy nurse na nagmula sa UAE at una nang na-diagnosed na nagtataglay ng naturang sakit, gayundin ang 40-iba pa na nakasakay niya sa eroplano sa pag-uwi niya sa Pilipinas.

Ayon kay Health Secretary Enrique Ona na lumitaw sa mga karagdagang pagsusuri sa Pinoy nurse na hindi ito infected ng sakit.

Sinabi ni Ona na walang sintomas ng sakit na nakita sa Pinoy nurse at lahat aniya nang isinagawa nila ay precautionary measure lamang.

Pinalabas na rin aniya ng pagamutan ang Pinoy nurse dahil wala nang nagsi-circulate na bacteria sa katawan nito.

Bukod naman sa Pinoy nurse, nag-negatibo na rin sa sakit ang 40 iba pang pasahero na nakasabay nito sa pag-uwi sa Pilipinas lulan ng Flight EY 0424 mula sa UAE, kabilang ang kanyang asawa, dalawang anak at isang katulong, na pawang pinalabas na rin ng pagamutan.

Sa kasalukuyan, 119 na mula sa 415 pasahero ang nakontak na ng DoH at 72 sa kanila ang nasuri na.

Hinihintay pa naman ng DoH ang resulta ng pagsusuri sa iba pang pasahero.

Nilinaw din naman ng DoH na walang epidemic o outbreak ng MERS-Cov sa bansa maging sa Middle East kung saan pinaniniwalaang nagmula ang naturang sakit.

Sa kabila naman nito, hinimok ng DoH ang mga OFWs mula sa Middle East na magpasuri sa mga pagamutan sakaling mapansin nila na mayroon silang flu-like symptoms tulad ng lagnat, ubo, sipon o pagbabahing.

Ayon sa DoH, ang MERS-Cov ay isang communicable disease na madaling ipasa sa iba sa pamamagitan ng close contact sa isang positive carrier.

The post Pinoy nurse, negative na sa MERS – DoH appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>