MAGLALABAS ng bagong anunsyo ang Department of Health (DoH) ngayong araw hinggil sa Middle East Respiratory Syndrome-Corona Virus (MERS-CoV).
Ayon sa abiso ng DoH, magbibigay sila ng status update hinggil sa Pinoy na naitalang nagtataglay ng naturang sakit na pinaniniwalaang nakuha sa United Arab Emirates (UAE).
Maliban sa Pinoy health worker, naka-quarantine na rin ang mahigit 10 iba pa na sinasabing nagkaroon ng close contact sa nasabing virus carrier.
Tiniyak naman ni Health Sec. Enrique Ona na ginagawa nila ang lahat para mabantayan ang mga kababayan hinggil sa posibleng pagkalat ng virus sa bansa.
Katunayan, nakikipagtulungan na ang ibang ahensya sa DoH para sa kanilang paglaban sa nasabing sakit.
The post DoH may bagong anunsyo sa MERS-CoV appeared first on Remate.