Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

7 miyembro ng KFR pinipiga na ng awtoridad

$
0
0

SUMASAILALIM na sa interogasyon ang pitong miyembro ng Kidnap For Ransom (KFR) group na nasakote sa Tandang City, Surigao del Sur nitong nakaraang Biyernes.

Nasa kustodiya na ng awtoridad ang pito na kinilala ang isa na si Alexander Goloran Bentoso, 44, nahaharap sa kasong murder at frustrated murder sa korte sa San Francisco probinsya ng Agusan del Sur, samantalang ang anim na iba ay hindi muna pinangalanan para sa follow-up operation.

Sa inisyal na report, nahuli ang mga suspek matapos  ang isa sa kanila ay maaksidente sa motorsiklo at dinala sa ospital, subalit ang guwardiya ng pagamutan ay nagsauli sa bag na dala ng suspek na naglalaman ng P30,500 at tumugma ito sa halaga ng money for ransom hinggil sa nangyaring pag-kidnap kay Susmita Saberon, 22, anak ng isang negosyante sa naturang lalawigan.

Dagling nagsagawa ng follow-up operations ang pulisya sa ibang lugar at inimbestigahan nang mabuti ang pangyayari.

Matapos nito, narekober ng awtoridad ang mga armas at bala, P85,000 marked money, mobile phones, kutsilyo, maliit na sachet ng shabu at isang motorsiklo.

The post 7 miyembro ng KFR pinipiga na ng awtoridad appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>