PINAGHAHANAP na ng awtoridad sa ng Cebu at karatig na bayan ang 14 mga sakay ng eroplanong galing sa Middle East noong April 15, 2015.
Sinabi ni P/Supt. Renato Dugan ang public information officer ng Police Regional Office-7, gumawa sila ng isang emergency conference nitong Biyernes upang talakayin ang kalagayan ngayon ng bansa sa nakapasok na Middle East Respiratory Syndrome Corona Virus (MERS-CoV).
Binigyan sila ng mandato upang tumulong sa Department of Health (DoH) na makita ang 417 na pasaherong sakay ng naturang eroplano dahil isa sa kanila ang naka-quarantine ngayon.
Napag-alaman na 14 sa mga ito ay galing sa Rehiyon 7.
Kaya naman sa ngayon ay puspusan ang ginawa nilang pagpahahanap sa tulong na rin ng DoH upang matukoy ang mga posibleng infected na pasahero.
The post 14 posibleng infected ng MERS-CoV wanted appeared first on Remate.