MAGKAIBANG reaksyon ang mga residente sa Pampanga, matapos magpapako sa krus ang isang Danish filmmaker, kasabay ng ilang panatikong namamanata.
Kinilala ang banyaga na si Lasse Spang Olsen, 48.
Ayon kay dating Brgy. Cutud chairman Remegio dela Cruz, hindi sila pabor sa pagsali ng mga turista sa taunang pagpapapako sa krus.
Matatandaan na may mga bisitang Japanese at Australian na nakilahok noon sa crucifixion ngunit bandang huli ay ginamit ang video sa isang pornographic movie.
Pero para sa iba, bahala na ang mga nagpapapako kung ano ang kanilang intensyon, dahil sila naman ang makakaramdam ng hirap.
The post Danish filmmaker nagpapako sa krus sa Pampanga appeared first on Remate.