PINANINIWALAANG nagpatiwakal ang high school vice principal na na-rescue mula sa lumubog na South Korean ferry.
Matatandaang mahigit 100 estudyanteng sakay ng ferry ang nasawi, maliban pa sa maraming hindi pa rin natatagpuan.
Ayon sa Jindo island police, natagpuan ang katawan ni vice principal Kang Min-Kyu, 52, malapit sa gymnasium kung saan nagtitipon ang mga kaanak ng 268 pasaherong patuloy na nawawala.
Sinasabing nakabitin pa ito sa kahoy nang makita ng awtoridad.
Gayunman, limitado pa rin ang opisyal sa detalyeng isinisiwalat ng pulisya sa publiko.
Paniwala ng ilang nakakita sa bangkay, maaaring labis na naapektuhan ni Min-Kyu nang mga pangyayari, pati na nang mga panaghoy ng mga namatayan ng kaanak.
Nabatid na sa 475 kataong sakay ng ferry, 352 ay mga mag-aaral ng Danwon High School kung saan nagtatrabaho ang nagpatiwakal na opisyal.
The post Vice principal na nakaligtas sa lumubog na SoKor ferry, nagpakamatay appeared first on Remate.