ISANG magnitude 4.9 na lindol ang umuga sa timog kanluran ng Sabtang, Batanes alas-11:47 ng umaga ngayong araw.
Sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naitala ang lindol sa layong 171 kilometro at may lalim na 34 kilometro.
Naitala rin ang pagyanig sa Cateel, Davao Oriental na magnitude 3.4, magnitude 3.2 sa Cabangan, Zambales, magnitude 3.2 sa Cotabato City, magnitude 3.2 sa Tagbilaran City, magnitude 2.7 sa Luna, La Union at magnitude 3.1 sa Butuan City.
Tectonic in origin ang pagyanig.
The post Batanes niyanig ng lindol appeared first on Remate.