KINUMPIRMA ni assistant trainer Buboy Fernandez na noon pa balak ni Manny Pacquiao na magpatayo ng museum sa Sarangani province.
Inihayag ni Fernandez ang layunin ni Pacquiao na ilagay ang mga mahahalagang gamit nito sa pagboboksing.
Aniya, nasa kanyang pag-iingat ang lahat nang isinuot ng Pinoy ring icon sa iba’t ibang laban nito.
Isa rito ay ang watawat ng Pilipinas na ginamit pa noong lumaban si Pacman kay Lehlo Ledwaba kung saan nasungkit ang unang titulo.
Dagdag pa ni Fernandez, bawat gamit ni Manny ay may petsa kung kailan ginawa ang laban at pangalan nang nakalaban ng Sarangani congressman.
Sa kuwento pa ng coach, lahat ng mga ito ay inilagay sa isang taguan at nilagyan ng selyo ang bawat gamit.
The post Pacman, magpapatayo ng kanyang museum sa Sarangani appeared first on Remate.