NAKAHANDA na ang Philippine Red Cross (PRC) upang matiyak ang kaligtasan ng publiko sa paggunita ng Semana Santa.
Ayon kay PRC Chairman Richard Gordon, sinimulan na nila ang pagtatayo ng mga first aid station at welfare desk sa mga pampublikong lugar na inaasahang puntahan sa panahon ng Kwaresma lalo na sa mga bus terminal, pantalan at paliparan.
Kaugnay nito, nagpakalat na rin ang PRC ng first aid stations at welfare desks sa mga gasolinahan, mga pangunahing highway, simbahan at mga parke para tulungan ang mga motorista at mga namamanata.
Sinabi naman ni PRC Secretary General Gwendolyn Pang, nag-deploy na ang kanilang grupo ng mga volunteer lifeguards sa mga matataong beach resort gaya ng Boracay at Puerto Galera.
Ang Operation for Holy Week 2014 ng Philippine Red Cross ay tatagal hanggang Lunes kung kailan inaasahang bubuhos ang mga nagbakasyon mula sa mga probinsya.
The post Red Cross, nakaantabay para sa Semana Santa appeared first on Remate.