ARESTADO sa isang entrapment operation kagabi ng Manila Police District ang isang African national matapos kikilan ang kapwa nito dayuhan sa Ermita, Maynila.
Nasa kustodiya ngayon ng MPD-GAS ang suspek na si Abdoalla Osma Khlaid Hhalid Hammed, 26, ng Lower Feguzon St, Baguio City.
Ang pagkakaaresto ng suspek ay bunsod ng reklamo ni Buthaina Nasar, 20, nanunuluyan sa 107 Hayatt and Casino hotel sa Malate, Maynila.
Alas-8:30 ng gabi nang maaretso ang suspek matapos magsagawa ng entrapment operation ang pulisya sa loob ng sangay ng Shopwise sa kahabaan ng J.Bocobo street, Ermita, Maynila.
Nauna rito, hinihingan umano ng suspek ang biktima ng halagang P60,000 bilang tubos sa nawawala nitong pasaporte.
Upang makasiguro sa pagdududa ng biktima, nakipag-ugnayan muna ito sa tanggapan ng MPD-GAS kung saan plinano ang operasyon.
Agad na inihanda ang nasabing halaga na ginamit bilang marked money at nagkita ang suspek at biktima sa nasabing convenient store.
Habang iniaabot ang marked money ay ibinigay na ang hudyat upang dakpin ang suspek.
Dinala sa headquarters ang suspek at kinasuhan na ng extortion sa Manila Prosecutors Office.
The post African nat’l timbog sa pangingikil appeared first on Remate.