Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Sekyu ni Pasay City VM patay sa aksidente

$
0
0

BASAG ang bungo ng 46-anyos na driver bodyguard ni Pasay City Vice Mayor Marlon Pesebre nang tumilapon sa minamanehong motorsiklo makaraang mawalan ng kontrol kagabi sa Pasay City.

Namatay habang ginagamot sa Pasay City General Hospital si Romeo Pugay, 46, ng 143 F. Cruz St., Pasay sanhi ng pinsala sa ulo at katawan nito.

Sa imbestigasyon, minamaneho ni Pugay ang kanyang motorsiklo (UT-4820) at tinatahak ang kahabaan ng EDSA patungo sa Taft Avenue nang maganap ang insidente.

Ayon sa testigong si Renante Tantiado, huli niyang nakita ang biktima na nagpagewang-gewang habang minamaneho ang kanyang motorsiklo hanggang tuluyang mawalan ng kontrol at tumilapon sa sementadong lansangan malapit sa terminal ng DLTB.

Unang isinugod ng mga tauhan ng Pasay City Rescue Team ang biktimasa Pasay City General Hospital bago siya inilipat sa naturang ospital kung saan binawian ito ng buhay.



Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>