Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Task Group Aranas, binuo ng pulis-Quezon

$
0
0

LUCENA CITY – Bilang pagtalima sa kautusan ni Calabarzon police director Chief Supt. Benito Estipona, si Acting Quezon Police director Senior Supt. Dionardo Carlos ay nagbuo noong Martes ng isang Special Investigation Task Group (SITG) na ang hangarin ay tulungan ang ibang government law enforcement agencies upang lumabas ang katotohanan sa kontrobersyal na pagkamatay ng Ortega slay witness na si Dennis Aranas.

Si Supt. Ranser Evasco na pinuno ng Provincial Investigation Branch ng Quezon Police Provincial Office (QPPO) ay sinabing ang SITG Aranas ay pamumunuan ni Carlos na ang mga miyembro ay mula sa representative ng Lucena City Police Station, Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)- Quezon, Provincial Crime Laboratory Office, PNP Provincial Legal Office, Highway Patrol Group at QPPO.

Sinabi ni Evasco na ang pagkakabuo ng task group ay dahil na rin sa direktiba ni Philippine National Police chief, Dir. Gen. Alan LM Purisima na magkaroon ng hiwalay na imbestigasyon at halukaying mabuti ang sanhi ng pagkamatay ni Aranas na naging masyadong kontrobersyal matapos ang autopsy examinations na hiwalay na isinagawa ng National Bureau of Investigation (NBI) at Public Attorney’s Office (PAO) ay naging magkakontra sa isat-isa.

Matapos ang pagbuo ng SITG Aranas, sinabi ni Evasco na si Carlos na noon ay dumadalo sa case conference sa police regional office sa Calamba City tungkol sa Aranas case, ay agad nagbigay ng specific orders sa bawat miyembro at nag-utos sa kanila na magkaroon ng agarang resulta ng imbestigasyon.

Sa isang text message, nilinaw ni Carlos na bago pa man sa pagkakabuo ng task group, ay may mga ginawa na silang aragang hakbangin mula pa noong araw na ma-report ito sa kapulisan.

“When the death of Aranas was reported to Lucena police station by the victim’s bother, I instructed the OIC chief in the person of Chief Insp. Job de Mesa to involve the CIDG-Quezon and the Provincial Investigation Branch. We also asked the Provincial Crime Lab to assist us. Then we had a meeting with personnel of Regional Investigation Division”, sabi ni Carlos sa kanyang mensahe.

Aniya ang lahat na makukuhang mga data ng task group pati na rin ang testimonya mula sa kasamahang bilanggo ni Aranas at miyembro ng pamilya ay kanilang pagsasamasamahin at isusumite kay Estipona sa takdang oras.



Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>