HINIHINALANG biktima ng “summary execution” ang isang lalaki na natagpuang walang buhay at itinapon sa madilim na bahagi ng Buendia Avenue malapit sa Roxas Boulevard kaninang madaling-araw sa Pasay City.
Wala isa man sa naturang lugar ang nakakakilala sa biktima na tinatayang nasa pagitan ng 33 hanggang 38-anyos, may taas na 5’5 at nakasuot ng itim na t-shirt at maong na pantalon.
Sa imbestigasyon, kapwa nakatali ang kamay sa likod ng biktima at tinalian ng packaging tape ang kanyang bibig.
May hinala ang pulisya na itinapon lamang sa naturang lugar ang biktima dahil walang mga palatandaan na pinaslang siya sa naturang lugar.
Wala ring nakitang anomang uri ng sugat mula sa tama ng bala o saksak ang biktima bagama’t may marka ang kanyang leeg na palatandaang pinatay sa pamamagitan ng bigti.
Pansamantala munang inilagak ang kanyang bangkay sa Veronica Funeral Homes sa Libertad Street upang doon isagawa ang pag-awtopsiya sa bangkay.
The post Salvage victim itinapon sa Roxas Boulevard appeared first on Remate.