SABAY na nagpapakita ng abnormalidad ang Mayon volcano sa Albay at Taal volcano sa Batangas nang makapagtala sa magdamag ng volcanic earthquakes kaninang madaling-araw, Abril 15.
Sinabi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na naitala ang dalawang volcanic quakes sa loob ng 24-hour period na nagmula sa Mayon Volcano habang isang volcanic earthquake naman ang naitala sa Taal Volcano.
“Mayon Volcano remains at abnormal condition,” babala pa ng NDRRMC.
Dahil dito, pinaalalahanan agad ang publiko laban sa pagpasok sa six-kilometer radius sa paligid ng Mayon na tinawag na Permanent Danger Zone sanhi ng ‘perennial life-threatening dangers’ na tulad ng rockfalls, avalanches sa gitna hanggang sa itaas ng slope, sudden ash puffs at steam-driven o phreatic eruptions mula sa summit o bibig ng bulkan.
Samantala, wala namang nakitang senyales na puputok agad ang aktibong Taal Volcano, pero agad na pinaalalahanan na ang main crater, na isang tourist destination, ay strictly off-limits.
The post Mayon, Taal sabay na nag-alburuto appeared first on Remate.