TULUYAN nang sinibak sa serbisyo ang 13 pulis, kabilang ang nasugatan noon na si mission commander Hansel Marantan, makaraang sumabit sa Atimonan rubout noong Enero nakaraang taon.
Bukod kay Marantan, noon ay deputy chief ng Quezon Province regional intelligence division ay sinibak din sina Supt. Ramon Balauag, chief of the provincial intelligence branch; Chief Insp. Grant Gollod, chief of police, Atimonan municipal station; Senior Insp. John Paulo Carracedo; Senior Insp. Timoteo Orig; SPO3 Joselito De Guzman; SPO1 Claro Cataquiz, Jr.; SPO1 Arturo Sarmiento; PO3 Eduardo Oronan; PO2 Nelson Indal; PO2 Al Bhazar Jailani; PO1 Wryan Sardea at PO1 Rodel Talento.
Ang nasabing mga respondent ay hinatulang guilty sa serious irregularity in the performance of duty, ayon na rin sa March 5 decision na nilagdaan ni Philippine National Police chief Director General Alan Purisima.
Matatandaang 12 katao ang namatay, kabilang ang environmentalist na si Jun Lontok at Victor Siman, dalawang police officers at siyam iba pa na pawang mga sakay sa dalawang magka-convoy na sasakyan nang ratratin ng grupo ni Marantan, alas-3:20 ng hapon noong Enero, nakaraang taon.
Sakay ng dalawang sasakyan ang mga biktima nang harangin ng itim na Montero vehicle at pagbabarilin ang mga sakay nito.
Ang nasabing krimen ay kalaunang dinisesyonan ng National Bureau of Investigation (NBI) na rub-out.
Ang nasabing mga parak ang nakaantabay sa ikalawang checkpoint kung saan nangyari ang rub-out.
Bukod sa mga sinibak, inilabas din ng PNP ang demotion by one rank sa mga opisyal na sina Insp. Ferdinand Aguilar, Insp. Evaristo San Juan (Ret), PO3 Benedict Dimayuga, PO2 Ronnie Serdeña at PO2 Esperdion Corpuz. Dalawang pulis din ang sinuspinde ng anim na buwan na kinilalang sina PO1 Allen Ayobo at PO1 Bernie de Leon, pawang mga nakabantay naman sa una at ikatlong nakaposteng checkpoint.
Ang nasabing mga pulis ay nauna nang dinesisyonan ng Internal Affairs Service (IAS) sa kanilang isinagawang Summary Hearing Board na guilty as charged sa October 11, 2013 resolution.
The post Marantan tuluyang sinibak sa puwesto appeared first on Remate.