PATAY ang isang chief tanod nang barilin ng hindi nakilalang suspek sa Barangay 34, Cagayan de Oro.
Kinilala ang biktima na si Dario Maglente, 50, ng nasabing lugar.
Nabatid na habang nasa bakuran ng barangay hall ang biktima ay malapitan siyang binaril ng suspek na nakasakay sa motorsiklo gamit ang kalibre .45 pistol.
Inaalam na ang motibo sa krimen.
The post Tanod inutas sa Cagayan de Oro appeared first on Remate.