HINILING ng Department of Justice sa Korte Suprema na ilipat ang lugar na pagdarausan ng mga pagdinig sa mga kasong isinampa laban kay Jachob “Coco” Rasuman, ang lider ng investment scam group sa Lanao Del Sur.
Sinabi ni Prosecutor General Claro Arellano, nais nilang ilipat ng Korte Suprema sa korte dito sa Metro Manila ang kaso laban kay Rasuman.
Si Rasuman ay may nakabinbing kasong estafa sa Cagayan De Oro Regional Trial Court Branch 20 at sa Misamiis Oriental Regional Trial Court Branch 23.
Co-accused ni Rasuman sa mga naturang kaso ang kanyang ama na si dating Public Works and Highways Undersecretary Bashir Dimaampo Rasuman, Emma Rasuman, Bashir Rasuman Jr., Princess Aliah Tomawis Rasuman, Jerome Rasuman at maraming iba pa.
Kabilang sa mga dahilan na ipinunto sa dalawang pahinang mosyon ng DOJ ay ang pagiging detenido ngayon ni Rasuman sa Among the National Bureau of Investigation at karamihan sa mga sangkot na partido ay pansamantalang inilipat sa Manila dahil na rin sa takot sa kanilang seguridad.
Sinabi rin ni Arellano na maliban sa panganib sa seguridad, masyado ring magastos sa panig ng gobyerno kung siRasuman ay ibebiyahe pa mula manila patungong Cagayan de Oro o Misamis Oriental para lamang dumalo sa paglilitis.
At dahil sangkot din umano ang ilang lokal na opisyal sa kaso ni Rasuman, ay may posibilidad na magamit nila ang kanilang resources o kapangyarihan para impluwensiyahan ang kalalabasan ng pagdinig.