INILABAS na ang warrant of arrest laban kina Deniece Cornejo at Cedric Lee kaugnay ng kasong pambubugbog sa aktor na si Vhong Navarro.
Kinumpirma ni Justice Secretary Leila de Lima na ipinalabas ng Taguig Metropolitan Trial Court (MTC) ang arrest warrant laban sa grupo nina Cornejo at Lee noong Biyernes, Abril 11.
Nabatid na si Judge Bernard Bernard ng Branch 74 ang nagpalabas ng warrant of arrest at pinadalhan na ng kopya ang mga sangkot.
Kumukuha na rin ng kopya ng warrant ang Department of Justice (DoJ).
Bukod kina Cornejo at Lee, kasamang ipinaaaresto sa kasong grave coercion sina Bernice Lee, Simon Raz, Jose Paulo Gregorio Calma, Ferdinand Guerrero at Jed Fernandez.
Matatandaang pinakasuhan ng DoJ ang grupo nina Cornejo at Lee nitong Huwebes, Abril 10 kasabay ng pagbasura ng kasong rape ni Cornejo laban kay Navarro.
The post Warrant of arrest vs Lee, et al inilabas na appeared first on Remate.