NANAWAGAN si Eastern Samar Rep. Ben Evardone sa Estados Unidos na agad aprubahan ang hiling na Temporary Protected Status (TPS) ng pamahalaang Pilipinas para sa halos 300,000 undocumented Filipino sa Estados Unidos.
Lumiham si Evardone kay US Ambassador Goldberg, upang hilingin na irekomenda kay US President Barack Obama na agad aprubahan ang hiling na TPS ng Pilipinas.
Paliwanag ng kongresista na sa pamamagitan ng buwanang remittance ng mga undocumented Pinoy sa kanilang pamilya sa Pilipinas ay nakakatulong ito para mapabilis ang rebuilding efforts at pagbangon ng ekonomiya dahil sa pinsalang idinulot ng super typhoon Yolanda.
Sa pagtaya ni Evardone, kung maaaprubahan ang 18 buwang TPS ay aabot sa P2.64 bilyon kada buwan ang maiaambag sa ekonomiya ng bansa kung bawat isa sa mga ito ay magpapadala ng US$200 kada buwan sa kanilang pamilya.
Layon ng TPS na maipagpaliban ang deportasyon ng mga nasabing Pinoy at pagpapahintulot sa kanilang makapagtrabaho ng legal sa Estados Unidos.
The post Pakiusap sa US: 300,000 undocumented Pinoy wag munang pauwiin appeared first on Remate.