DAHIL sa patuloy na pagtitinda ng iligal na droga sa kanilang lugar, napagkaisahan ng mga kapitbahay ng 51-anyos na lalaki na isuplong ito sa pulisya sa Taguig City.
Nahaharap sa kasong paglabag sa R.A.9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang naarestong suspek na si Ernesto Cruz, residente ng M.L. Quezon St. makaraang tanggapin nito mula kay PO3 Jerry Balbin ang P1,500 na markadong salapi na katumbas ng tatlong pakete ng shabu matapos ikasa sa suspek ang operasyon ng mga tauhan ni Chief Insp. Jerry Amindalan, hepe ng Station Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Group (SAID-SOTG) sa Barangay Bagumbayan alas-7 ng gabi.
Sa report ni PO3 Elric Valle, sunod-sunod ang naging reklamo ng mga residente sa M.L. Quezon Street sa pulis kaugnay sa umano’y garapalanG pagtutulak ng shabu ng suspek kaya’t ikinasa ng tanggapan ng SAID-SOTG ang buy-bust operation.
Ayon naman sa suspek, inamin niya sa pulisya ang paggamit ng iligal na droga subalit itinanggi niya ang pagkakasangkot sa sindikato na nagbebenta nito.
The post Kelot dakip sa garapalang pagbebenta ng shabu appeared first on Remate.