MAY mga artistang may art collection, at tatlo ru’n ay sina Richard Gomez, Piolo Pascual, at Dina Bonnevie. Pare-parehong may mamahaling Ramon Orlina glass sculptures sina Goma, Piolo, at Dina. At si Orlina mismo ang nagsabi sa amin nu’n nung pumunta kami sa Museo Orlina sa Tagaytay, kasama ng isang bus ng media people. Actually, media tour yon na in-arrange ng top art and culture publicist sa bansa ngayon na si Toots Tolentino.
Hindi naman boluntaryong ipinamarali ni Orlina kung sinu-sino ang mga artistang may Orlina piece (o pieces).
Ipinakita n’ya kasi sa amin ang isang black glass torso ng isang babae na ang tawag ni Orlina ay “Dawn” — as in Dawn Zulueta! Kay Goma raw ‘yon. Matagal na raw binili sa kanya ‘yon ni Goma, at malamang nga ay binili n’ya ‘yon nu’ng panahong mag-sweetheart pa sila ni Dawn Zulueta.
Hiniram lang daw n’ya kay Goma ang rebultong ‘yon para mai-display sa Museum n’ya na nitong April 9 lang pormal na pinasinayaan.
Bihirang gumawa si Orlina ng sculpture na human figure. At para maipakita nga sa mga pupunta sa pasinaya ng Museo Orlina ang variation ng glass sculptures n’ya, hiniram n’ya kay Orlina ang rebultong Dawn na halos tatlong talampakan ang taas (kaya siguradong napakamahal nu’n!)
May gold bust (mula ulo hanggang dibdib) si Piolo na naka-display sa Museo. Actually, may diperensya ang pagkakagawa ng bust kaya di ipinadala kay Piolo yon ni Orlina. Nakalimutan naming itanong sa kanya kung inulit n’ya ang paggawa ng bust, at kung yung walang diperensya ang ipinadala kay Piolo.
Ang isa sa mga piyesang Orlina na nabili ni Dina Bonnevie ay korteng suso ng babae. “Parang ganu’n daw kasi ang suso n’ya, kaya gusto n’yang bilhin yung glass sculpture na ‘yon,” pagtatapat ni Orlina.
Hindi namin naitanong, pero may suspetsa kaming may Orlina pieces si Joey de Leon. Balita namin ay halos isang gallery (o isang museum) na ang art collection ni Joey!
The post Kahawig daw ng dibdib niya ang glass sculpture ni Ramon Orlina! appeared first on Remate.