ISANG sama ng panahon ang namataan sa silangan ng Guiuan, Eastern Samar kaninang umaga Abril 13, 2014.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), namataan ang LPA sa layong 400 kilometro ng silangan ng Guiuan, Eastern Samar, alas-10:00 ng umaga.
Sinabi ng PAGASA na dahil sa namataang sama ng panahon ay magdadala ito ng maulap na papawirin, pag-ulan at pagkidlat sa Silangan ng Visayas na maaaring magdala ng flashfloods at landslides.
Habang ang ilang bahagi ng Visayas region at Bicol region ay magdadala ng maulap na papawirin at pag-ulan at pagkulog dahil sa naturang sama ng panahon.
Pinaalalahanan din ng PAGASA ang mga residente na naninirahan sa naturang lugar na maging maingat bunsod ng namataang sama ng panahon.
The post LPA namataan sa silangan ng Guiuan, Eastern Samar appeared first on Remate.