ISINISISI sa brownout ang pagkamatay ng isang paslit na ang bahay ay natupok ng apoy sanhi ng nabuwal na kandila sa North Cotabato nitong Sabado ng gabi, Abril 12.
Nagtamo ng third degree burn sa buong katawan at namatay noon din ang biktimang si Riezel Bangoy, 3, apo ni Leo Arandilla, tserman ng Barangay Alab, Arakan, North Cotabato.
Sa ulat, natagpuan ang bangkay ng biktima alas-7:05 nitong Sabado ng gabi sa ikalawang palapag ng kanilang bahay
Bago ito, matagal nang nakakaranas ng brownout sa lugar kaya nagtitirik ng kandila ang mga residente rito at isa na rito ay si Arandilla.
Pero dahil nabuwal ang may sinding kandila, mabilis na kumalat ang apoy sa ikalawang palapag ng bahay na gawa lamang sa kahoy at pinatutulugan ng biktima.
Sa bilis ng paglaki ng apoy, hindi na nailigtas pa ang biktima.
The post Apo ng kapitan, tusta sa Cotabato fire appeared first on Remate.