SWAK sa kulungan ang dalawang kawani ng Navotas City hall matapos ilabas sa selda ang dalagitang preso at paulit-ulit na pinagparausan kaninang madaling-araw sa Brgy. Dahang Hari, nasabing lungsod.
Naharap sa kasong rape at paglabag sa RA 7610 o child abuse sina Inri Moises Siochi at Ronald Jordenico, nakatalaga sa Task Force Disiplina (TFD).
Ayon sa ulat, alas-2:00 hanggang alas-5:00 ng madaling-araw nang maganap ang panghahalay sa biktimang itinago sa pangalang Maria sa Brgy. Dahang Hari, nasabing lungsod.
Base sa pahayag nina Rolando Patag at Florante Batasol, bantay ng nasabing selda inilabas ng mga suspek ang biktima para umano kausapin lamang subalit biglang naglaho ang mga ito at ibinalik sa selda ang biktima ganap na alas-5:30 na ng madaling-araw na agad namang nagreklamo sa pulisya.
The post 2 Navotas city hall employee tiklo sa pangrereyp ng preso appeared first on Remate.