PATAY ang isang foreman matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin habang ang una ay naghahapunan kasama ang asawa sa Pabahay site Brgy. Tanza, Navotas City kagabi.
Dead-on-spot sa loob ng bahay si Cerilo Reyes, 43, ng Pabahay Site, Dulong, Sampaguita St., nasabing barangay sanhi ng maraming tama ng bala ng di pa batid na kalibre ng baril sa katawan at ulo.
Mabilis namang tumakas ang hindi pa nakikilalang salarin dala ang ginamit na baril.
Sa pinagsanib na imbestigasyon nina P03 Allan Ogatia at P02 Exiquiel Sanco, alas-11:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng biktima.
Nauna rito, naghahapunan ang biktima kasama ang kanyang misis nang pasukin sila ng armadong suspek at walang sabi-sabing niratrat ang biktima.
Narekober sa pinangyarihan ng krimen ng 14 empty shell ng ‘di pa batid na kalibre ng baril.
Inaalam na ang motibo sa krimen.
The post Foreman inutas habang kumakain sa Navotas appeared first on Remate.