AABOT sa 700 hanggang 800 special permits ang ilalabas ng Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) ngayong Holy Week.
Ito ay para madagdagan ang biyahe ng mga bus upang tugunan ang malaking bulto ng mga pasaherong magsisipag-uwi sa mga probinsya ngayong semana santa.
Ayon kay LTFRB Chairman Winston Ginez, ang temporary permits ay epektibo ngayon, Abril 13 hanggang 21, araw ng Lunes.
Sinabi ni Ginez na halos nasa 1,000 bus ang naghahain ng aplikasyon para sa special permit ngunit marami rito ang hindi nabibigyan dahil sa paglabag sa safety rules.
The post 80 special permits ilalabas ng LTFRB appeared first on Remate.